"
SA MATA ng ATING mga NANAY,
TAYO ang PINAKAMAGANDANG NILALANG..
Kaya ano pa bang DAPAT nating GAWIN?
ALAGAAN natin sila ng HUSTO lalo na ang KANILANG mga MATA.. :D
"(Source: maryantoinettenicole)
(Source: maryantoinettenicole)
Kung nagawa mo ng HINDI tumawa sa mga jokes na tinawanan mo na dati, baket hindi mo subukan WAG umiyak sa taong iniyakan mo na rin dati?
(Source: maryantoinettenicole)
"Gawin mo kung ano ang makakapag-pasaya sayo hindi sa kung ano sa tingin mo ang makakapag-pasaya sa ibang tao.. Dahil dadating ang panahon na matatanggap nila ang naging desisyon mo at magiging sila pa ang pinaka-masaya sa desisyong ginawa mo. "
(Source: maryantoinettenicole)
"Para kanino ka ba nabubuhay? "
(Source: maryantoinettenicole)
"Wala naman langit sa lupa, Basta pipiliin mo lang kung saan ka masaya. "
(Source: maryantoinettenicole)
REPOST:
on Miriam Santiago…she has the most sensible explanation of all senators, which shows that she really studied the case and not just based it on politics. you, people, should know that. or are you a better expert of law than her? just saying….:)
Verdict: Not guilty. “Does SALN omission amount to an impeachable offense? NO! SALN carries light penalty, allows correction.” and added, as she addressed her colleagues ” I am insulted by the way your minds run.” -Senator Miriam Defensor-Santiago
—————————————————————————————————————-
Gaya rin ng sinabi at naisip namin kahapon.., napakababaw na reason ng SALN pra magng subject for Impeachment xa.. I believe Sen. Miriam Santiago! SIYA NA TALAGA!
OK DI pa rin TAPOS na ISSUE.. ahaha.. nadaanan ko kasi lht ng NEWS PAPER STAND laht ng FRONT PAGE “GUILTY!” ang nakalagay + CJ CORONA’s FACE as COVER.. LOL..
(Source: maryantoinettenicole)
BASAHIN nio.. May kahabaan pero Maganda siya.. Sa mga unang talata Literal ang magiging Pag-intindi ng mga mambabasa(kagaya ko) pero habang inuunawa mo siya habang patuloy na binabasa ang mga sumusunod na talatamay mas malalim p siya na mensaheng nais n iparating.. ANG GALING ng GUMAWA nito.. :D na-Amaze ako… TAKE TIME to READ GUYS.. :D
——————————————————————————————————————————————————
MINSAN MAY ISANG PUTA ni Mike Portes
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
(Source: maryantoinettenicole)
Just Got Home from Watching the Movie “BORN to LOVE YOU”..
After paying my Tuition Fee tinamad na ko pumunta n school kasi marami daw tao sa Admin so i decided na ipagpabukas n lng.. So from SM Dasma i went to SM Bacoor.. So, I arrived at around 2:30PM and late n ko so ung 4:00PM n showing n lng ung pinili ko so while waiting i ate lunch at Mang Inasal binagalan ko ng kain kaso by 3:15 tpos n ko kumain.. antagal ko mghintay.. Bili muna Popcorn at Zagu… Then Pasok n ng Sinehan kht di p tapos.. buti hndi ako na-spoil kht napanuod ko una ung ending.. laughtrip din kasi,.. so aun.. Pagpasok ko ng Sinehan(1st day ng showing) at ANDAMING TAO… PUNUAN ung mga UPUAN sa taas kaya pti sa BABA may mga nakaupo na rin.. ahaha.. GRABE dami kong tawa sa movie na ‘to! Laughtrip si Coco at Angeline.. Actually di ko inexpect na magugustuhan ko xa kasi akala ko waley lng ung acting ni Angeline because of the trailer pero suprisingly Umiyak ako sa Sinehan.. :P(o madali lng tlga kong umiyak pgdating sa mga movies?) .. kasi infairness magaling din naman si ANGELINE umiyak.. Ganda pa nia.. :D GWAPO at galing umarte tlga ni COCO ! Dala tlga nia ung Acting ni Angeline… BAGAY sila UN LNG MASASABI ko.. :D Some scenes na Napuputol lng ung MOMENT ng pag-iyak kasi tutulo n luha mo bglang nggng COMEDY.. Ang bilis lng ng phasing kasi MAHAL agad ni Joey at Rex ang isa’t isa? PBB TEENS lng?!? CHOS! AY NAKO! Konti n lng maikukwento ko na kaya tama na.. Konti n lng mag-aalarm na ng “SPOILER ALERT!” ahaha
PERO BADTRIP talaga ee.. CLIMAX NA bglan nagBLACKOUT ung screen.. ahaha.. may emergency dw na 5-10 minutes mahihinto. then blah blah blah.. natuyo ang luha ko.. GRABE! NABITIN ako.. Ayoko lng umalis kasi maganda ung story ee.. Umiyak ako nung nalaman ni Angeline ung nangyari kay COCO.. *SPOILER alert! LOL
ANYWAYS, OVERALL MASASABI ko na NA-SATISFY ako PANUORIN siya.. Pati ung mga nakasabay ko sa sinehan nag-enjoy sila kasi umiiyak at tumatawa rin sila gaya ko at nrinig ko mga comment nila… (CHISMOSA lng ?HAHAHAHAH!) NAKASABAY? meaning ung mga ibang tao na nanuod din ng movie.. hindi ko kakilala.. Because Yes i prefer watching movies alone mas nafi-feel ko ung story though i also watch with my friends.. Pero pg love story better if i watched it alone..
Movie Review b ‘to? BSTA eto COMMENT ko.. :D Bahala n kayo manuod at humusga bsta eto ung opinyon ko.. :D NAGANDAHAN ako.. Panuorin nio rin.. :))
LOVE ko na ang ANGELINE at COCO LOVETEAM! CUTE nila ee.. :D
(Source: maryantoinettenicole)
Anong issue ni Kit about sa food? kelangan tinatago? kelangan nagsosolo kayo ng mga kakonchaba mo? wag mo sabihing nagugutuman ka bago ka pumasok sa bahay ni kuya? IMPOSIBLE naman yon DBA? mahigit 11,000 ang ginagastos mo!malabong walang kang gastos dun pra sa PAGKAIN… GROW UP.. Hindi lng kayo ng mga kakonchaba mo ang naghirap pra Weekly Budget nio.. tssssssss…
(Source: maryantoinettenicole)
THEME BY: http://sweeetposh.tumblr.com
Best wiewed: Mozilla Firefox 1028 x 764